We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

8 6

by Dasu

/
1.
STANZA 1 Iniisip mo pa rin ba ang pagod at sakit, puno pa ng pangamba? Naghihintay na rin ng makakapitan Ngayo'y wag maduhagi ako ay nariyan. Aking irog, STANZA 2 Di ka na mababalikan Ng araw na ika'y pinahihirapan Ang kagandahan mo'y di pa rin kumupas Sa bawat oras pang pilit na lumipas Ngunit bakit- Bridge Tila puso mo'y sawi na patuloy pang inaapi Bawat salita nila'y hinuhugos nang makasakit Dininig ng langit ang iyong panalangin Pilit kong binabanggit sayo na- CHORUS Di na maglalaho pa ang mga kislap sa'yong mata Ako'y nagagalak na makita kang ligtas mula sa kadiliman. Ang iyong ngiti ay parang bituin na nagniningning sa kalangitan Maaari nga bang makasama rin kita sa aking mga pangarap? STANZA 3 Nagdaan ang araw, tayo ay hindi na matitinag; Pilit na lumaban. Ang dulo ng mundo'y puno ng kasinungalingan at pangako na di man lang napagbigyan. At bakit nga ba- STANZA 4 Tila nagbago ka na? Hindi na gaya dating puno ng saya "Nangangamba ka bang malinlang ka niya?" Ang awit ng dilim habang tumatawa Bridge 2 Tila tumalima ng mabilis ang pangyayari Ang kanyang pagtingin sa akin ay di na tulad dati May nabanggit ba ako na sayo'y nakasakit? "Patawad sa'king sasabihin na katotohanan" CHORUS 2 "Tila nagbabago na ang pagluhog ng tadhana. Ang tanging hinangad sa iyo'y walang iba kung hindi kapahamakan Ang aking ngiti ay napakatamis ngunit dito'y tatapusin ko na Ang aking pagpapanggap; paalam na sa iyo, 'di na kita kailangan!" ~Instrumental~ Bakit nabubuhay pa ang isang katulad kong hangal? Isang kahamakan ba ang paghangad man lang ng isang tiyak na bukas? Kung naririnig ang tanging hinaing ko sa langit sana'y pagbigyan Paano na nga ba hahanapin ang wakas na walang patutunguhan? Ahh- Bakit naglalaho na ang mga kislap sa'yong mata? Balot ng pangamba ang aking mga mata at ako'y nababahala Sa iyong ngiti na kalayaan din ang minimithi; lumisan na ba? Ang tangi kong pag-asang talikuran mo na lang ang nais ng kasamaan? "Ang aking- Hiling ay wasakin ang ngiti na dumadampi sa'yong mukha. Hindi na masaya kung patas pa rin lumaban sayo ang kadiliman. 'Di ako sabik sa tangi mong sambit na "makakamit ang kabutihan" Paalam kaibigan, sa ang iyong paglalakbay na walang pinatunguhan."
2.

credits

released April 24, 2017

license

tags

about

Dasu Philippines

Vocaloid Producer, Illustrator.

Check my website!
www.stellarparadigm.com

contact / help

Contact Dasu

Streaming and
Download help

Redeem code

Report this album or account

If you like Dasu, you may also like: