CAFFEINE

by Dasu

/
  • Streaming + Download

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.

      $3 USD  or more

     

1.
2.

credits

released March 30, 2016

Music, Lyrics & Art: Dasu
Guitars: Yunyunsae

tags

license

all rights reserved

about

Dasu Philippines

Vocaloid Producer, Illustrator.

Check my website!
www.stellarparadigm.com

Mail me for Business or Questions: ayurashi@gmail.com

contact / help

Contact Dasu

Streaming and
Download help

Track Name: 【GUMI ft. Kagamine Len】 Caffeine 【Original】
Caffeine - GUMI ft. Kagamine Len

STANZA 1
Hinahabol-habol ko ang boses sa dilim
Di ako makapaghintay bawiin ang para sa akin
Lumalabo na ang aking paningin
Bakit ba ngayon lang tayo nagsimula?
Ahh~

Nakakalito, Nakakapagod,
Di na rin makahinga

Tama na, tama na
marami akong katanungan
Tumingin sa salamin,
Gisingin ang mga nahihimbing

Ikaw lang ba ang tangi kong makakapitan?

CHORUS
Ang luha ko'y dahil sayo
Sasabayan pa rin kita sa pagtakbo
Kahit na anong sigaw mo

Hanggang kailan pa ba ito?
Pagbigyan mo na ako

Isa na lang
isang pagkakataong makita ka~

Lalalalala~ :3

STANZA 2
Inaawit-awit ko ang pangalan mo,
Di naman nakakasawang ulit-ulitin 'to
Araw-araw, sampung beses sa isang linggo
Parang langit na ang mundo dahil sayo.
Ooh~<3

Di ko namalayan,
Bakit ba ako ay gulong-gulo?

Nasaan ka na ba?
Kailangan kitang makita.

Binigay mo na rin ang tanging
sigaw ng puso ko

Bakit ba
Hindi ko mapigilan?

STANZ3/BRIDGE
Hinahanap-hanap ko sa iyo,
Ang pait at saya ng ating pinagsamahan
Bakit
Di na, di na nauulit ito?
May pag-asa pa ba tayo na magtagpo?

Kahit hindi ngayon,
Ikaw lang ang laman ng isip ko~

CHORUS ENDING
Ang awit ko'y para sayo
Sasabayan pa rin kita sa pagtakbo
Kahit na anong sigaw mo

Hanggang kailan pa ba ito?
Pagbigyan mo na ako

Pakiusap,
'Wag ka nang lumisan hindi ko kaya.

-
Ahh
Natatakot lang ako,
Pag ika'y naglaho na sa buhay ko
ano na ang gagawin ko?

Kung babalikan mo pa ito
Isa lang ang masasabi ko
Hindi ko kaya na mapalayo
Sa piling mo~

Lalalalala~