Nakakapagpabagabag

by Dasu

/
  • Streaming + Download

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.

      $3.45 USD  or more

     

1.
2.

credits

released August 15, 2016

tags

license

about

Dasu Philippines

Vocaloid Producer, Illustrator.

Check my website!
www.stellarparadigm.com

Mail me for Business or Questions: ayurashi@gmail.com

contact / help

Contact Dasu

Streaming and
Download help

Track Name: 【Kagamine Len】 Nakakapagpabagabag 【Original】
Kamusta? Bakit tila dumatal ang kaba?
Ano ba ang agam-agam na bumabagabag?
Ang dinadamdam nila'y mahirap ipinta,
Bakit pa ba ako nagtataka?

Ako ba'ng may kasalanan kung bakit naiwan sila?
Ako nga itong nagpaparaya para sa adhikaing walang patutunguhan-
O, kay saklap!
Pa'no ba tayo magkakaisa?

CHORUS
Sinabihan na kitang tumakbo papalayo sa mundong
Nakaka-pagpa-baga-bag!
Pinilit kong sagipin ang mga naliligaw sa dilim
Nakaka-pagpa-baga-bag!

Naniwala pa ako sa sinungaling mong mga luha
" Ngunit mahal pa rin kita :'( "
Kasalanan ko pa ba na di mo na ako makikita?
Nakaka-pagpa-baga-bag!

STANZA2
Mas sanay na akong maglakad ng nakapiring ang aking mata
Habang buhay ko nang pinagsisisihan na iniwan ang tanging sidha sa puso
Naglahong parang usok
'Di na maibabalik pa

Parang sa panaginip ko lang masisilayan ang mukha nila
"Parang awa mo na hindi na mauulit ang panganib!"
Masarap makinig sa inyong mga paghihinagpis
Na tila ubod ng tamis~

CHORUS
Sinabihan ko silang bilisan ang pagtakbo sa mundong
Nakaka-pagpa-baga-bag!
Di sila nakikinig ngunit ngayo'y nagmamakaawa~
Nagpapatawa ba sila?

Naniwala pa ako sa sinungaling n'yong mga mata
"Ngunit kami'y mali rin ba?"
Sino nga lang ba ako para iligtas ang inyong diwa?
Nakaka-pagpa-baga-bag!

CHORUS END
Bakit ba ako nababahala sa mundong ito?
Nakaka-pagpa-baga-bag ba?
Pinilit kong sagipin ngunit sila'y nasakop na ng dilim
Nakaka-pagpa-baga-bag!

Naniwala pa ako sa sinungaling mong mga luha
" Ngunit huli na ang lahat! "
Kasalanan ko pa ba na di mo na ako makikita?
Nakaka-pagpa-baga-bag!