DIVINE

by Dasu

/
  • Streaming + Download

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.
    Purchasable with gift card

      $3.16 USD  or more

     

1.
2.

credits

released February 27, 2020

license

all rights reserved

tags

about

Dasu Philippines

Vocaloid Producer, Illustrator.

Check my website!
www.stellarparadigm.com

Mail me for Business or Questions: ayurashi@gmail.com

contact / help

Contact Dasu

Streaming and
Download help

Redeem code

Report this album or account

Track Name: Dasu - DIVINE (Original)
i
Tawagin mo ako sa pangalan ko,
Hindi ko makakalimutan ang sinabi mo.
Inukit mo ang mata ko sa kandilang dugo
Ano ang aking mapaglilingkod?

ii
Ilang beses na akong hinalikan ng karimlan
Hinding hindi parin sapat ang pag-awit ng pabalang.
Hindi pa ako nakapagsimula,
Kung anu-ano na ang dula nila
Magpapakalumbay o maghihintay
‘Wag ka na tumawid, nakamamatay!

iii
Anong uri ka ba ng hayop kaharap ng patalim 'kong to?
Hahagurin hanggang kumain ang pangil mong bumaon sa iyo.
Kakaiba ang iyong sigaw, paos na paos sa paghikbi;
Ginuguhit sa aking isip, oras na para magbigti.

iv
O- ako ba ang nadapa?! Boses mo yata'y nangatal;
Ikut-ikutin mo pa ako sa kagaguhan ng mortal.
Tumigil ka ng kasasabi na ikaw ang mundo;
Dahil walang interesado sa kasinungalingan mo.

v
Pusang gala! Ayoko na’ng maawa!
Ilang taong paghihirap nauwi sa ganitong paniniwala?!
Hahayaan ko nang basahanin ka ng aking lipunan
Hanggang sa huling patak ng luha'y aking masisilayan!

vi
Humanap ka na ng bayaning kakagat sa bulaan mong mga tula~
Matagal na akong nawala! Walang makatang malugod kang isasalba!

vi-i
At 'di mo 'ko Diwata, o Diwata, o Diwata, o Diwata
Wala ako sa langit 'di ako Diwata, o Diwata, o Diwata, o Diwata
‘Di mo 'ko Diwata.

vii
Hindi ka na nakinig sa makulay na panganib ng katauhan mo?
“Hindi ka man lang ba nahiya, Paraluman? Di ka ba mahal ng magulang mo?”
‘Wag kang maghanap ng mga santo, sabi mo nga- ano ba ang kaya ko?
Sinagot ko na’t patawarin mo, ako na talaga ang parusa mo, dahil-

viii
Ako na mismo ang tatapos ng galaw mong padalos-dalos
Paraan ko'y di payapa o ang dugo mo na ang aagos
Isang haplos sa ‘king kamay ‘di nga kita kayang masaktan
Basta’t ‘wag na!- Huwag na ako’ng pipiliin mong dasalan.


Ix
End Chorus

Dahil 'di mo 'ko Diwata, o Diwata~
O Diwata! O Diwata! O Diwata! O Diwata! Hindi mo ‘ko Diwata.

If you like Dasu, you may also like: